Home NATIONWIDE 13 undocumented Chinese huli sa dredging vessel sa Bataan

13 undocumented Chinese huli sa dredging vessel sa Bataan

MANILA, Philippines – Dinampot ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 13 undocumented Chinese sa isang dredging vessel  na naka-angkla sa  Mariveles, Bataan.

Sa impormasyong ibinahagi ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG para sa WPS, ang sasakyang pandagat na Harvest 89 ay nag-abiso na bibiyahr patungong San Felipe,  Zambales para sa dredging operations.

Sa kabila nito, nagduda ang PCG nang tumanggi ang ahente ng barko na payagan silang nag-inspeksyon sa kadahilanang kumpleto naman ang kanilang mga dokumento.

Dahil dito, mas ginawang masusi ang inspeksyon ng PCG sa Limay Substation at nakita ang 9 na Tsino na walang dokumento na sinundan ng pagkakatuklas sa 4 pa na nagtatago sa loob ng barko.

Nagduda rin ang PCG sa mga Tsino nang makita ang uniporme na hawig nang gamit ng mga kasapi ng People’s Liberation Army.

Nakikipag-ugnayan na ang PCG sa iba pang ahensiya ng gobyerno. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)