MANILA, Philippines – Ilalabas na sa December 13, 2024 ang resulta ng 2024 Bar Examinations.
Sa inilabas na abiso ng Office of the Bar Chairperson, ang resulta ay ididisplay sa led wall sa loob ng SC Courtyard at makikita sa official website ng Supreme Court at sa mga social media pages nito.
Bubuksan ang gate ng SC Courtyard sa publiko mula 12:00 ng tanghali hanggang 6:00 ng gabi.
Ang mga nais sumaksi sa mahalagang pangyayari ay pinapayuhan na magsuot ng disenteng kasuotan.
“Please be informed that entry will be regulated due to limited space. All individuals entering the SC Courtyard shall also be subjected to security inspection.”
Magugunita na nasa kabuuang 10,490 mula sa 10,504 na aplikante ang nakatapos sa tatlong araw na Bar Examinations.
Ayon kay Bar Chairperson at Supreme Court Associate Justice Mario Lopez kabilang sa sumabak sa Bar Exams ay ang isang buntis na examinee na kahit sumailalim sa caesarian operation noong Biyernes, September 13, itinuloy pa rin nito ang pagsusulit.
Mayroon din na examinees na persons with disabilities (PWDs).
Idinaos ang 2024 Bar Exams noong September 8,11 at 15. Teresa Tavares