MANILA, Philippines – “Mas lalong sinasaktan, mas lalong lumalaban.”
Mistulang ganito ang paglalarawan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa nakaambang pag-aresto kay Vice President Sara Duterte matapos nitong pagbantaang papatayin sina Pangulong Bongbong Marcos, House Speaker Martin Romualdez at First Lady Liza Marcos kamakailan.
Sa pahayag, sinabi ni Dela Rosa, mahigpit na kaalyado ng pamilya Duterte na kapag mas lalong nasasaktan ang bise president, mas lalo itong nanlalaban.
“Let’s get ready to rumble, The more you hurt her, the more she [will] fight back,” Sen. Ronald “Bato” ayon kay Dela Rosa sa interview.
Nitong Martes, nagpalaba sng subpoena an National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Duterte hinggil sa naturang bantang pagpatay.
Inatasan ng subpoena si Duterte na hujamrap sa NBI main office sa Pasay City dakong 9 ng umaga sa biyernes, Novembe5 29.
Sinabi ng NBI na kailangan maghain ng ebidensiya si Duterte hinggil sa grave threats sa ilalim ng Article 282 of the Revised Penal Code na may kaungnayan sa Section 6 of the Cybercrime Prevention Act of 2012 (Republic Act No, 10175).
Inihayag pa ng dokumento na maaaring nilabag ni Duterte ang Anti-Terrorism Act of 2020 (RA 11479).
Kaugnay nito, nanawagan naman si Senate President Francis “Chiz” Escudero ng kahinahunan sa lahat matapos magpahayag ng matitinding pagbabanta si Duterte laban sa pamilya Marcos at Romualdez.
Umapela din si Escudero sa lahat ng Partido na sangkot sa pangyayari na kumilos upang pahupain ang sitwasyon upang maiwasan ang mas malalang sitwasyon sa kaligtasan, kalusugan at kagalingan ng lahat.
“She should keep in mind that as a public official, she has a duty to set an example for the personnel in the Office of the Vice President and our fellow Filipinos, especially our children,” ayon kay Escudero.
“I urge those who are close to her—those who truly care about her as a person and as a leader—to advise her to refrain from making these indecorous and possibly criminal statements in public. These do not benefit the Vice President, her office, or our country,” ayon pa kay Escudero.
“Our government has urgent and pressing concerns it must address—matters that directly affect the lives and livelihoods of the Filipino people. It is imperative that we as public officials focus our energy and attention on resolving these issues,” giit ng lider ng Senado. Ernie Reyes