MANILA, Philippines- Ibinulgar ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na pumuslit ang 13 undocumented Chinese national sa Pilipinas gamit ang state-owned dredging company ng Beijing sa Mariveles, Bataan habang abala ang bansa sa ilang isyu.
Sa kanyang privilege speech sa Senado, sinabi ni Hontiveros na lubhang nakakatakot ang ginagawa ng China sa pagpapadala ng espiya sa bansa dahil sumasalisi silang pumuslit kasabwat ang ilang opisyal ng bayan habang abala ang bansa.
“Ang kinakatakot ko po, dear colleagues, mga kasama, ay habang busy ang bansa sa mga kaganapan dito, nasasalisihan tayo ng mga kalaban,” ayon kay Hontiveros sa kanyang speech sa plenaryo nitong Lunes ng gabi.
“Last week, the Philippine Coast Guard reported that 13 undocumented Chinese nationals were found on a dredging vessel. MV Harvest 89, in Mariveles, Bataan on November 26, 2024, around 2 in the afternoon. Laking gulat at pagtataka ng PCG na sa isang routine pre-departure inspection para ma-secure ang Masters Declaration of Safe Departure (MDSD), the crew members attempted to deny them entry,” ayon sa senadora.
Sinabi ni Hontiveros na natagpuan sa loob ng barko ang ilang uniporme ng People’s Liberation Army ng China.
“Okay naman na daw ang kanilang documentation. Smelling a rat, our coast guards boarded the vessel where they discovered nine undocumented Chinese crew members, and when they searched deeper, they found four more, bringing the total to 13. Ito po ang ilan sa mga IDs na nahanap nila. Mas nakakapagtaka, may nahanap na PLA uniform on board. Parang yung mga PLA uniform na nahanap sa mga POGO,” wika ni Hontiveros.
Kasunod nito, binanggit ni Hontiveros ang pangalan ng kompanya ng dredging vessel.
“Itanong po natin: what is the company behind this? The company behind this is the state-run CHINA HARBOUR ENGINEER COMPANY o CHEC, blacklisted by the United States in 2020 for its role in the red militarization of the South China Sea, and blacklisted even farther back by the World Trade Organization for its corrupt practices,” ayon sa senador.
“Subsidiary po ito ng China Communications Construction Company o CCCC na minsan ko nang pinanawagan na i-blacklist. Naghain din ako ng Resolution, PSR No. 989 in April this year, dahil itong CHEC ay involved din sa large-scale sand quarrying activities na nakakasira ng kalikasan,” paliwanag pa ni Hontiveros.
“Kahit saan dako ng mundo tila nagkakalat ng lagim itong CHEC. “One of the Chinese business giants that the Communist Party uses for everything is CHEC, part of that monster called China that moves with many arms, but is always the same animal” – ito ang sabi ni Mr. Douglas Farrah, an international analyst specializing in Latin American affairs, where CHEC also has problematic infrastructure projects,” patuloy niya.
Binanggit din ng natatanging oposisyon sa Senado ang ilang isyu na kinasasangkutan ng barko at pasahero nito.
“Tingnan po natin itong example ng Alien Employment Permit mula sa mga natagpuan na Chinese doon sa vessel, ang nakalista po na company dito ay China Harbour Engineering Company. Kung may AEC sila, bakit po kailangan magtago? Bakit po kailangang wala ang pangalan nila sa manifest, gayong legal naman ang kanilang gawain dito sa bansa natin? Kataka-taka ito,” ani Hontiveros.
Aniya, hindi ito unang nangyari sa bansa.
“Lastly, Mr. President, hindi po ito ang unang pagkakataon na may nahuli ang ating mga Coast Guards na mga dredging vessels na gumagawa ng kabulastugan within our waters. In May of this year, our coast guards also apprehended a vessel pretending to carry a flag of the Republic, when in fact it was registered to Sierra Leone. Its crew members were all Chinese nationals,” giit ni Hontiveros.
“The presence of undocumented Chinese nationals aboard a vessel engaged in such contentious operations is a chilling revelation. What were they doing there? Who permitted their entry? Were they acting as laborers, or, as some fear, engaging in activities of an intelligence-gathering nature?” dagdag niya.
Dahil dito, sinabi ni Hontiveros na dapat imbestigahan ng mga sumusunod na ahensiya ng pamahalaan kung bakit nagkakaroon ng ganitong isyu.
“Task the Department of Justice through the Bureau of Immigration to probe the undocumented individuals found aboard these vessels. Who are they, and what are their objectives? Siyasatin din ang kanilang mga Alien Employment Permits na binigay ng Department of Labor and Employment.”
“Direct the Department of Environment and Natural Resources to conduct an exhaustive assessment of the environmental damage caused by these dredging operations and hold responsible parties accountable,” wika pa ng mambabatas.
Pinarerebyu din ni Hontiveros ang lahat ng umiiral na kasunduan na nagpahintulot sa ilang dayuhang kompanya na magmina o katulad na gawain sa bansa upang matiyak na nakasandig ang kasunduang ito hindi lamang sa proteksyon ng ekolohiya kundi maging sa pambansang seguridad.
Pinababawi rin ni Hontiveros ang lahat ng kontrata ng gobyerno sa blacklisted companies tulad ng CHEC na lumalabag sa batas ng karagatan ng Pilipinas. Ernie Reyes