Home NATIONWIDE 13 utas sa Honduran plane crash

13 utas sa Honduran plane crash

(c) Reuters

Labintatlong tao ang nasawi matapos bumulusok sa dagat ang isang eroplanong pag-aari ng Lanhsa Airlines ilang sandali matapos lumipad mula Roatan, Honduras.

May 18 sakay ang eroplano nang pumalya ang makina isang kilometro mula sa pampang.

Pinaghihinalaang dulot ito ng aberyang mekanikal.

Limang pasahero ang nakaligtas, kabilang ang isang French citizen. Isa sa mga nasawi ay ang musikero na si Aurelio Martinez.

Nanatiling sarado ang Roatan International Airport matapos ang insidente. RNT