Home NATIONWIDE Digmaan wakasan, responsableng pamamahayag itaguyod – Pope

Digmaan wakasan, responsableng pamamahayag itaguyod – Pope

VATICAN – Habang nagpapagaling mula sa pulmonya sa isang ospital sa Roma, nanawagan si Pope Francis na wakasan ang digmaan at itinaguyod ang responsableng pamamahayag.

Sa kanyang liham, binigyang-diin niya ang kapangyarihan ng mga salita sa pagkakaisa o pagkakawatak-watak at iginiit ang pangangailangan ng diplomasya kaysa sa tunggalian.

Tinawag niyang walang saysay ang digmaan at binigyang-diin ang papel ng kahinaan ng tao sa pagtukoy kung ano ang tunay na mahalaga.

Patuloy siyang nagpapagaling sa ospital at unti-unting bumubuti, na ngayon ay mas kaunti na ang pangangailangan sa oxygen support.  (Jocelyn Tabangcura-Domenden)