QUEZON CITY, Philippines – Ipinagdiwang ngayong Agosto 23, 2026 ang ika-130 anibersaryo ng Sigaw ng Pugad Lawin sa Dambana ng Pugad Lawin, Barangay Bahay Toro, Project 8, Quezon City.
Kinatawan ni PBGen Randy Glenn G. Silvio, District Director ng Quezon City Police District (QCPD), si PCOL Joel A. Villanueva, DDDA, sa nasabing pagdiriwang.
Dumalo sa seremonya ang mga opisyal ng Quezon City Government sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte, mga kinatawan ng National Historical Commission of the Philippines, Quezon City Schools Division, Barangay Bahay Toro, civic organizations, mga inapo ng mga bayaning Pilipino, at iba pang stakeholders.
Bilang pagpupugay sa mga bayaning Pilipino na lumaban para sa kalayaan, nagsagawa ang mga tauhan ng QCPD ng 21-gun salute.
Ang Sigaw ng Pugad Lawin ay itinuturing na mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Himagsikang Pilipino laban sa kolonyal na pamamahala ng Espanya at simbolo ng pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan. DANNY QUERUBIN








