Home METRO 133 barangay apektado sa pagsabog ng Kanlaon

133 barangay apektado sa pagsabog ng Kanlaon

196
0
(c) Ralf Pancho Montiflor

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Aabot sa 133 barangay ang naapektuhan ng ashfall at iba pang epekto ng kamakailang moderately explosive eruption ng Mount Kanlaon noong Huwebes ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon kay Phivolcs Director Dr. Teresito Bacolcol, bukod sa ashfall ay nakaranas din ng amoy asupre ang mga apektadong lugar.

Kabilang sa mga lugar sa Negros Occidental ang Bago, Binalbagan, Cauayan, Candoni, Sipalay, La Carlota, La Castellana, Moises Padilla, Hinigaran, Isabela, San Carlos, Montevedra, Himamaylan, Kabankalan, at Ilog.

“Maging ang mas malalayong bahagi ng southern side Negros Island katulad ng Hinoba-an which is around 120km away from the Kanlaon Volcano,” ani Bacolcol sa panayam ng People’s Television Network (PTV) noong Biyernes, Pebrero 27.

Nakapagtala rin ng ash emission activity Biyernes ng umaga na tumagal ng isang oras at umabot sa 1,000 metro ang taas.

Ayon pa kay Bacolcol, nananatili sa Alert Level 2 ang Kanlaon, na nangangahulugang may katamtamang pag-aalboroto ang bulkan.

“Sa kabuuan ng aming assessment, seismicity, gas emission, visual observation at deformation, ang Kanlaon ay nasa alert level 2 pa rin. Ibig sabihin, may patuloy unrest at possible pa rin ang biglaang explosive eruption katulad nang nangyari noong February 19 at saka kahapon,” dagdag niya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here