Home METRO 134 wanted sa Isabela, arestado

134 wanted sa Isabela, arestado

4
0

ISABELA, Philippines – Arestado ang 134 wanted persons ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) sa pinaigting na manhunt operations nito buwan Setyembre 2026.

Sa datos ng IPPO, nasa 116 Other Wanted Persons (OWP) ang naaresto habang 8 Most Wanted Persons (MWP).

Samantala, 9 na Top Most Wanted Persons (TMWP) ang naaresto, kabilang ang 3 regional, 3 provincial, at 3 city/municipal-level wanted persons.

Isang hiwalay na operasyon din ang nagresulta sa pagkakaaresto sa isang TMWP na may ₱50,000 reward.

Sa darektiba ni PCol Manuel B. Bringas, Provincial Director ng IPPO sa pagtalima ng kanyang mga tauhan ay patuloy ang kampanya laban sa mga wanted person at kriminalidad upang mamintina ang kaayusan at kapayapaan sa probinsya. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here