MANILA, Philippines- Mahigit 13,000 debotong Katoliko ang nakibahagi sa Traslacion sa Cagayan de Oro City itong Huwebes, January 9, 2025, ayon sa mga awtoridad.
Base sa ulat, dumating ang imahe ng Poong Jesus Nazareno sa Jesus Nazarene Parish – Archdiocesan Shrine of the Black Nazareno bago mag-tanghali.
Mas kaunting deboto naman ang naobserbahan ngayong taon, batay sa Cagayan de Oro City Police Office.
“The scores of devotees were largely observant due to the safety protocols set in place by the city police and Cagayan de Oro City Hall to ensure a peaceful and meaningful observance of the religious event,” pahayag ng Cagayan de Oro City Information Office sa Facebook. RNT/SA