MANILA, Philippines- Dumagsa ang mga deboto sa annual Penitential Walk with Jesus upang buksan ang Novena Mass para sa pagdiriwang ng 460th Fiesta Señor nitong Huwebes.
Nagsimula ang dawn walk ng alas-4:20 ng madaling araw mula Fuente Osmeña sa Cebu City, patungo sa Basilica Minore del Santo Niño de Cebu sa pamamagitan ng Osmeña Boulevard.
Hindi naman natinag ang mga deboto nakilahok sa dawn walk nang umulan.
Dala nila ang mga kandila at imahe ng Holy Child Jesus.
Pinangunahan ni Rev. Fr. Andres Rivera, Jr., rector ng Basilica Minore del Santo Niño de Cebu, ang Holy Mass.
Isinasagawa ang Novena Mass sa Basilica kada oras araw-araw hanggang alas-7 ng gabi.
Mayroong naka-deploy na mga pulis at emergency rescue teams sa Basilica.
Sa Sabado, January 18, 2025, maaga ring isasagawa ang fluvial (seaborne) procession, habang ang Sinulog Festival Grand Parade ay kasado sa Linggo, January 19, 2025. RNT/SA