MANILA, Philippines- Inihayag ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na namuhunan ang pambansang pamahalaan ng mahigit P12 bilyon para sa modernisasyon ng ilang paliparan sa buong bansa ngayong taon.
Sinabi ni CAAP director general Manuel Antonio Tamayo na kabilang sa investment ang P10.6 bilyon para sa civil works at P1.8 bilyon para sa equipment at systems upgrades para sa 2025.
Ayon kay Tamauo, kabilang sa mga prayoridad na proyekto ay ang night-rating upgrades ng Cauayan, Dipolog, at Pagadian airports na magbibigay-daan sa ligtas at mahusay na operasyon sa gabi upang matugunan ang tumataas na air traffic demands.
Sinabi niya na ang Bukidnon Airport ay nasa track din upang simulan ang operasyon para sa pangkalahatang aviation sa unang quarter ng 2025.
“These modernization efforts are projected to boost tourism and trade, enhance airport operations, and improve passenger experiences,” ani Tamayo. JR Reyes