Home NATIONWIDE 13K Filipino nakinabang sa ‘Handog Pangulo’ caravan

13K Filipino nakinabang sa ‘Handog Pangulo’ caravan

289
0

MANILA, Philippines – Nakapagbigay ng ibat-ibang serbisyong medikal ang ‘Handog ng Pangulo’ caravan sa 36,000 Pilipino sa buong bansa, sinabi ng Department of Health (DOH).

Ang “Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat para sa Lahat” caravan ng administrasyong Marcos ay kasabay ng 68th birthday ng Pangulo.

Sinabi ng DOH na humigit-kumulang 13,000 mula Luzon ang nakinabang sa health services, 5,000 sa Visayas at 18,000 sa Mindanao.

“Ang mga serbisyong ito ay alinsunod sa layunin ng Pangulong Bongbong Marcos Jr. na ilapit ang libre at dekalidad na serbisyong medikal, lalo na ang maagang pagtukoy sa estado ng kalusugan ng bawat Pilipino,” ayon sa pahayag ng DOH.

Tampok sa caravan ang preventive health care, kabilang ang new born screening; active case finding ng tuberculosis; consultations; mobile X-ray; glucose, uric acid, at cholesterol testing; at human immunodeficiency virus (HIV) screening. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here