Home METRO 13th Sangguniang Panlungsod

13th Sangguniang Panlungsod

273
0
NAGPASALAMAT si Navotas City Mayor John Rey Tiangco sa mga outgoing councilors na nagbigay serbisyo para sa lungsod Navotas at pagbati para sa pagpasok ng 13th Sangguniang Panlungsod. Pinaalalahanan ni Tiangco na gawing sentro ang pag NavLevelUp ng pamilyang Navoteño bilang inspirasyon sa lahat ng mga gagawing batas at programa. JOJO RABULAN

Inihayag ni Mayor John Rey Tiangco sa huling session ng 12th Sangguniang Panlungsod at pagbubukas ng session ng 13th City Council ng Navotas noong Lunes, na binibigyang-diin niya ang family-centered approach sa governance.

“Lagi nating tingnan ang pamilya. Ano ba talaga ang tunay na nakakapagpasaya sa kanila?” ani alkalde na binanggit na ang mga programa ng gobyerno ay dapat nakatuon sa kung ano ang tunay na mahalaga sa mga sambahayan.

Pinasalamatan ni Tiangco ang mga outgoing councilors sa kanilang suporta sa pagkamit ng mga pangunahing tagumpay sa ilalim ng kanyang unang termino bilang nagbabalik na alkalde, na sina outgoing councilors Richard San Juan, Neil Adrian Cruz, at Alvin Jason Nazal, at tinanggap ang mga bagong councilors Mylene Sanchez, Anna Victoria Nazal-Cabrera, at Rochelle Vicencio.

Kinilala din ang mga re-elected official na sina District 1 Councilors Reynaldo Monroy, Lance Santiago, Arvie John Vicencio, at Edgardo Maño; at District 2 Councilors Clint Geronimo, Ron Hansel Miguel Naval, Emil Justin Angelo Gino-gino, Cesar Justin Santos, at Analiza Lupisan.

“Napakarami na nating nagawa, pero marami pa tayong kailangang gawin. At hindi natin ito magagawa kung wala ang suporta ng Sangguniang Panlungsod,” ani Tiangco said, na pinuri si Vice Mayor Tito Sanchez para sa pamumuno ng isang supportive legislative body.

Inilatag ni Tiangco ang mga priority program para sa susunod na termino, mula sa pagpapalakas ng preventive healthcare sa pamamagitan ng Konsulta program at paghikayat sa Navoteños na magpatibay ng health-seeking behaviors bilang bahagi ng pang-araw-araw na buhay.

Sa kabuhayan, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng upskilling, lalo na sa mga kabataan sa gitna ng pagsulong ng teknolohiya na planong palawakin ang mga programa sa pagsasanay sa programming at artificial intelligence.

Sa edukasyon, idiniin ni Tiangco ang kahalagahan ng panghabambuhay na pag-aaral na naglalayong magkaroon ng sistemang hindi lamang nagbibigay ng diploma kundi nagtuturo din ng disiplina, values at tamang pagdedesisyon sa mga mag-aaral.

“Kapag malalim ang pundasyon sa edukasyon, matibay ang desisyon sa sarili, pamilya, at komunidad,” aniya

Sa safety and disaster preparedness, itinampok ni Tiangco ang papel ng city-wide trainings at systems sa buong lungsod tulad ng CCTV, Text JRT, at 911 sa pagtataguyod ng peace and order at kanyang pangako sa pangmatagalang solusyon sa flood control.

Sa pagtugon sa pabahay, sinabi niya na “Hindi lang ito tungkol sa bagong bahay, kundi sa pagbibigay ng bagong buhay,” tinutukoy ang layunin ng lungsod na magbigay ng ligtas at marangal na tirahan.

Habang kinikilala ang mga tagumpay sa imprastraktura ng lungsod, mula sa multipurpose halls, convention center, culverts, hanggang drainage upgrade, pinaalalahanan ni Tiangco ang lahat ng mas malalim na layunin sa likod ng mga ito.

“Ang lahat ng gusali ay may lifespan. Pero kung naging instrumento tayo sa pag-angat ng buhay ng pamilyang Navoteño, iyon ang tunay na legasiya ng ating serbisyo,” sabi niya. JOJO RABULAN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here