Home METRO Pekeng pulis na may dalang shabu at baril, arestado

Pekeng pulis na may dalang shabu at baril, arestado

TAGUIG City – Inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki na nagpanggap bilang isang pulis sa noong Hunyo 30.

Kinilala ang suspek na si alyas Hans, 32, residente ng Pili Avenue sa Barangay West Rembo, Taguig.

Siya ay dinakip dahil umano sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), at Article 177 ng Revised Penal Code para sa usurpation of authority.

Si Hans ay inaresto ng mga tauhan ng Taguig Police Substation 10 sa C5 Road sa Barangay East Rembo, Taguig.

Sa pagkakaaresto, narekober sa kanya ang itim na jacket, isang mobile phone, dalawang two-way radios, isang bag, isang .45-caliber pistol na may isang magazine at apat na piraso ng live ammunition, at isang sachet na naglalaman ng shabu na may timbang na dalawang gramo na nagkakahalaga ng P13,600.

Ang mga nasabat na droga ay ipapasa sa Southern Police District Forensic Unit para sa laboratory examination, habang ang baril ay isusumite para sa ballistic testing.

Inihahanda na ang reklamo laban sa suspek para sa pagsasampa sa Taguig City Prosecutor’s Office.

Pinuri ni Brig. Randy Arceo, acting district director ng SPD, ang agarang aksyon ng operating team at nagbigay ng matinding babala sa mga indibidwal na nagpapanggap na pulis. RNT/MND