MANILA, Philippines – Sugatan ang 14 katao kabilang ang ilang boy scout at mga guro matapos na tumaob ang sinasakyang trak habang binabagtas ang paakyat na kalsada sa Talisayan, Misamis Oriental nitong Biyernes, Nobyembre 15.
Ayon kay Rene Sina ng municipal disaster risk reduction and management office (MDRRMO), pumalya umano ang preno ng Isuzu Elf truck.
Sakay ng trak ang nasa 50 estudyante at mga guro na patungo sa jamboree sa Barangay Sibantang, Talisayan.
Sa 14 na sugatan, apat ang nagtamo ng seryosong injury na agad dinala sa Talisayan Provincial Hospital.
Mayroon naming 10 iba pa ang nagtamo ng minor bruises.
Isinailalim din sa stress debriefing session sa municipal hall ang lahat ng mga sangkot sa aksidente. RNT/JGC