MANILA, Philippines – Patay ang isang estudyante habang sugatan ang tatlo iba pa sa nangyaring pananaksak sa labas ng isang pampublikong paaralan sa Barangay 172, Caloocan City.
Sa ulat, nakita ang isang Grade 10 na lalaki ang nagwasiwas ng kutsilyong dala nito habang may isang estudyante ang umiilag dito.
Sa pahayag ng mga testigo, nauna umanong nambully ang isang suspek sa biktimang estudyante sa loob ng paaralan.
Tumawag ang biktima ng mga kasamahan para mag-abang sa labas at gumanti sa suspek.
Walang kaalam-alam ang mga ito na may dala palang kutsilyo ang suspek na kanilang inaabangan.
“May dalang kitchen knife yung suspek na Grade 10 initially dala niya. Nagpapanood niya sa TV pang self-defense,” pahayag ni P/Capt. Romel Caburog ng Caloocan City PNP sa panayam ng ABSCBN News.
Napahandusay na duguan sa kalsada ang biktima, kasabay ng pagtakas ng mga estudyanteng kasama sa gulo.
Agad na naaresto ang Grade 10 student na sangkot umano sa pananaksak.
Aniya, agawan umano sa electric fan sa loob ng klasrum ang dahilan ng alitan.
“Nahuli ng barangay, naka-detain kakasuhan ng homicide,” ani Caburog.
“Dalawang beses ko siya tinanggalan ng kutsilyo sa bag. Sabi ko anak bakit may ganito? Selfe-defense po nanay,” sinabi naman ng ina ng suspek.
Samantala, kritikal sa ospital ang tatlong sugatan iba pa. RNT/JGC