WASHINGTON — Kabilang sa 67 nasawi sa banggaan sa himpapawid ng commercial jet at isang US Army helicopter sa Washington ang 14 figure skaters na itinuturing na “hinaharap ng sport.”
Lahat ng 64 na tao na sakay ng American Eagle flight na lumipad mula sa Wichita, Kansas, kabilang ang 60 pasahero at apat na tripulante, at lahat ng tatlong sundalong sakay ng helicopter ay napatay nang magsalpukan ang dalawang sasakyang panghimpapawid noong Miyerkules ng gabi, na nagdulot ng isang maapoy na pagsabog.
Kinilala ilang mga biktimang skaters na sina Spencer Lane at Jinna Han na superstar figure skater ng Amerika at nanalo ng gintong medalya sa Olympics.
Kasama rin sa eroplano ang ina Spencer na si Christine, at ang ina ni Jinna na si Jin. Pareho silang “role model na magulang” na gumawa ng maraming sakripisyo upang matulungan ang kanilang mga anak na maging mahusay sa isport, sabi ni Zeghibe.
Nasawi rin sina Yevgenia Shishkova at Vadim Naumov na ipinanganak sa Russia at nakatakdang ikasal. Nanalo ng world championship ang dalawa sa figure skating noong 1994 at nag-coach sa Skating Club ng Boston mula noong 2017.
“Sila ay may talento at magagandang tao,” sabi ni Ludmila Velikova sa St. Petersburg, kung saan sinanay niya ang parehong mga skater noong sila ay mga bata pa. “Si Zhenya (Shishkova) ay nagsanay kasama ko mula sa edad na 11 at si Vladik (Naumov) mula sa edad na 14. Sila ay tulad ng sarili kong mga anak.”
Ang anak ng mag-asawang si Maxim, na skater din, ay nagtapos sa ikaapat na puwesto sa men’s free skate sa US national championship noong nakaraang linggo. Iniwan niya si Wichita pagkatapos ng kumpetisyon at wala siya sa eroplano noong Miyerkules.
Namatay din sa insidente si Inna Volyanskaya na ipinanganak sa Russia, isang skating coach sa lugar ng Washington, ay sakay ng eroplano, ayon sa X post mula kay US Representative Suhas Subramanyam at isang ulat mula sa Russian news agency na TASS.
Nakipagkumpitensya si Volyanskaya bilang isang pares na skater para sa Unyong Sobyet noong 1980s. Nag-coach siya ng mga batang skater sa Washington Figure Skating Club, ayon sa website ng club.
Hindi pa nakikilala hanggang sa ngayon ang iba pang skaters na sinasabing mahuhusay at mga talentado.JC