MANILA, Philippines – Nagbabala ang US Embassy sa Pilipinas kaugnay ng mga kumakalat na panloloko upang makakuha ng pera sa mga visa applicant.
Sa inilabas na pahahayg ng embahada, sinabi nitong wala silang anumang transaksyon sa mga social media o anumang email para mabilis na maaprubahan ang isang visa application.
Ayon pa sa Embahada, ang mga scammers ay nag-aalok umano ng mabilis na approval ng US visa kapalit ng malaking halaga.
Paalala pa nito na tanging sa mga official email address lamang ng US Embassy nagsasagawa sila ng communication sa mga aplikante at dito rin nila ipinapadala kung aprubado o denied ang isang visa application.
Giit pa ng Embahada na hindi ito kailanman nagsasagawa ng transaksyon sa mga email, social media platforms o kaya ay tawag sa telepono habang ang pagbabayad ay ginagawa sa pamamagitan ng portal o kaya ay sa pamamagitan ng Rizal Commercial Banking Corp o RCBC. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)