Naitala sa Japan ang 527 kaso ng student suicide noong 2024, mas mataas sa 514 kaso noong 2023, ayon sa preliminary data ng Ministry of Health, Labor, and Welfare.
Sa bilang na ito, 349 ay senior high school students, 163 ay junior high, at 15 ay elementary students. Mas maraming babae (288) ang nagpakamatay kumpara sa mga lalaki (239).
Bagama’t tumaas ang bilang ng suicide sa mga mag-aaral, bumaba naman ang kabuuang kaso ng suicide sa Japan sa 20,268, ang ikalawang pinakamababang tala mula noong 1978. Ang suicide cases sa mga lalaki ay bumaba sa 13,763, habang sa mga babae ay nasa 6,505.
Ang pangunahing dahilan ay problema sa kalusugan, pinansyal na suliranin, at problema sa pamilya. May 578 kaso ng suicide na may kaugnayan sa eskwelahan, kung saan 42 rito ay dahil sa sigalot sa social media.
Ayon sa isang opisyal ng health ministry, seryoso ang sitwasyon at nangangailangan ng masusing pagsusuri at agarang aksyon upang matugunan ang lumalalang krisis. RNT