Home METRO 14 nasagip sa online prostitution; 2 bugaw swak sa selda

14 nasagip sa online prostitution; 2 bugaw swak sa selda

MANILA, Philippines- Nailigtas ang 14 kababaihan kabilang ang walong menor-de-edad mula sa online prostitution sa Rizal.

Naaresto naman ang dalawang bugaw sa magkahiwalay na operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) Rizal District Office noong Huwebes.

Ayon sa NBI Rizal, may binuong group chat ang mga suspek kung saan sila nakikipagtransaksyon at nagpapadala ng larawan ng mga babae para sa prostitusyon.

Nakuha ang mga suspek sa Caloocan City at Binangonan, Rizal.

Natuklasan din ng NBI Rizal na isa sa mga biktima ay dati nang nasagip sa ibang operasyon.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong qualified trafficking na may parusa na hanggang P5 milyon at habambuhay na pagkabilanggo.

Sinabi ng NBI na ang mga biktima ay isasailalim sa counseling. Jocelyn Tabangcura-Domenden