GAZA – Patay ang 14 na Palestinians sa pinakabagong air strike ng Israel sa Gaza.
Tinamaan ng airstrike ang mga tent na tinutuluyan ng mga Palestinian na inilikas sa southern area ng Khan Yunis.
Kabilang sa mga nasawi ay mga bata at kababaihan, ayon kay civil defense spokesman Mahmud Bassal.
Kinumpirma rin ng Palestinian Red Crescent ang death toll, at idinagdag pa na 11 iba pa ang sugatan dito.
Samantala, kumitil sa buhay ng lima katao ang ikalawang air strike, kabilang ang mga bata, nang “Israeli warplanes hit Fahad Al-Sabah school”, na shelter para sa “thousands of displaced people” sa Al-Tuffah district ng Gaza City.
Dalawamput dalawang katao naman ang sugatan sa nangyaring pag-atake.
Dinala ang mga nasawi at mga sugatan sa Al-Ahli Arab Hospital.
Nitong Biyernes, Nobyembre 8, sinabi ng UNICEF na “at least 64 attacks against schools –- almost two every day –- were registered in the Gaza Strip last month.”
Ang Gaza schools “largely serve as shelters for displaced children and families”, at idinagdag na mula nang magsimula ang giyera, “more than 95 percent of schools in Gaza have been partially or completely destroyed.” RNT/JGC