Home NATIONWIDE 14 party-lists namayagpag sa Feb. 2024 OCTA survey

14 party-lists namayagpag sa Feb. 2024 OCTA survey

MANILA, Philippines- Posibleng makasungkit ang 14 party-list groups ng kahit isang pwesto sa House of Representatives, base sa non-commissioned survey na isinagawa ng OCTA Research noong nakaraang buwan.

Batay sa pinakabagong Tugon ng Masa nationwide survey na isinagawa mula February 22 hanggang 28, 2025, nanguna ang sumusunod na party-list groups sa mga posibleng makakuha ng pwesto sa Kamara kung isinagawa ang May 2025 elections sa survey period:

  • 4PS (5.74%)

  • ACT-CIS (4.83%)

  • GP (GALING SA PUSO) (3.88%)

  • Tingog (3.54%)

  • Ako Bicol (3.51%)

  • Uswag Ilonggo (3.35%)

  • Duterte Youth (3.16%)

  • FPJ Panday Bayanihan (2.50%)

  • Nanay (2.47%)

  • Senior Citizens (2.19%)

  • Ang Probinsyano (2.12%)

  • Abono (2.08%)

  • Tupad (2.03%)

  • PPP (2.02%)

Ayon sa OCTA, sa 155 party-list organizations na maglalaban para sa House seats sa midterm polls, nakakuha ang mga nabanggit na grupo ng mahigit 2 porsyentong suporta mula sa adult Filipinos.

Gumamit ang survey ng face-to-face interviews sa 1,200 babae at lalaking edad 18 pataas. Mayroon itong ±3% margin of error sa 95% confidence level. RNT/SA