MANILA, Philippines- Nanawagan si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. nitong weekend ng pagtapyas sa Japanese tariffs sa Philippine bananas, dahil para sa ibang bansa, kasado ang zero o preferential tariffs.
Ayon kay Tiu Laurel, ang Japan ang pinakamalaking market para sa local bananas, subalit nagbabayad pa rin ang Pilipinas ng 18% taripa sa mga saging na ini-export ng Pilipinas mula April hanggang September, at mas mababang 8% taripa mula October hanggang March, sa ilalim ng Japan-Philippines Economic Partnership Agreement (JPEPA).
Samantala, nagpapataw ang Japan ng zero o preferential tariffs sa mga saging na inaangkat mula Cambodia, Laos, Mexico, at Vietnam.
“The banana industry is a lifeline for thousands of farmers and workers, especially in Mindanao, where it serves as a major economic pillar,” wika ni Tiu Laurel.
“To sustain and expand this industry, we must push for tariff reductions on our bananas. This will not only attract greater investment in banana production but also drive poverty alleviation, job creation, and security in Mindanao,” dagdag niya.
Sa kasalukuyan, sinusuplyan ng Pilipinas ang tatlo sa kada apat na bananas consumers sa Japan, na nag-aangkat ng mahigit 1 million metric tons kada taon upang tugunan ang domestic demand. RNT/SA