MANILA, Philippines- Nahuli ang isang lalaking Indonesian sa Quezon City nitong Huwebes ng gabi dahil sa umano’y pagbili ng malaswang larawan at mga video ng mga batang kababaihan.
Sa ulat nitong Sabado, kadarating lamang ng 28-anyos sa Pilipinas na umano’y nambiktima at nang-abuso sa mga batang babae online sa presyong aabot sa P20,000.
“Nag-offer ng pera sa isang grupo ng mga mother na ang anak nila ay mga nagfa-fashion sa online. Noong una, ang modus niya is mag-i-sponsor siya para sa activity na ito. Then later, manghihihingi siya ng ibang mga services kung saan bibigay din siya ng mas malaking amount,” pahayag ni Police Lieutenant Colonel Armelina Manalo, officer-in-charge, PNP WCPC Luzon Field Unit.
Iniulat ng isa sa mga ina sa grupo ang insidente sa mga pulis matapos maalarma sa umano’y extra service na hinihingi ng suspek mula sa kanyang 8-anyos na anak na babae.
”Noong una, hindi niya naintindihan yung extra service. Noong bandang huli, nabasa ko dun sa mga ilang text na gusto niyang makipag-**** sa bata,” dagdag ng opisyal.
Humingi rin umano ito ng mga larawan at video ng bata na nakasuot ng bikini o walang damit. Subalit, iginiit ng suspek na mayroon siyang kasunduan sa ina ng biktima kaya umano siya nagtungo sa Pilipinas.
“It was a scam because we already agreed (to) some stuff. They promised me to do something. I transferred the money; they didn’t deliver. I wasn’t going to lie that I was obsessed with little girls. They need the money, and I can offer the money; but let’s make a deal. I never force,” pahayag ng suspek.
Nahaharap ang suspek sa kasong human trafficking at paglabag sa batas sa anti-online sexual abuse and exploitation of children. RNT/SA