MANILA, Philippines- Nagresulta ang tatlong araw na anti-crime drive na target ang most wanted persons sa buong bansa sa pagkakaaresto sa 97 indibidwal, base sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nitong Linggo.
Batay sa news release, nalambat sa Oplan Pagtugis (Pursuit) noong March 18 hanggang 20, armado ng warrants of arrest, ang 46 most wanted persons sa Luzon, 21 sa Visayas 30 sa Mindanao.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng umarestong CIDG units ang mga nadakip para sa dokumentasyon at wastong disposisyon bago ibalik ang kanilang warrants sa issuing courts.
“We will ensure a safe and peaceful national and local elections in May by confiscating all loose firearms, neutralizing criminal groups and networks, and arresting criminals, wanted persons and fugitives across the country,” pagtitiyak ni CIDG chief Maj. Gen. Nicolas Torre III. RNT/SA