Home ENTERTAINMENT Baron, nangakong babawi sa isa pang anak!

Baron, nangakong babawi sa isa pang anak!

Manila, Philippines- Inamin ni Baron Geisler na mayroon na itong isa pang anak sa ibang babae.

Girl ang sinasabing panganay ni Baron pero hindi sa asawa niyang si Jamie Evangelista with whom may anak din siya.

In-open up ng aktor that he sires a daughter who he last saw some five-six years ago.

Na-meet na rin daw ito ni Jamie.

Ang wish ni Baron, sana raw next time he sits for an interview ay kasama na niya ito.

Baron admits to being both happy and sad.

Happy dahil hindi raw naranasan ng kanyang anak ang mga pinagdaanan niya.

Maging ang kabulastugan at kalokohang pinaggagagawa niya sa buhay ay hindi sinapit ng anak.

“Lonely because I don’t get to hug her or play with her,” ani Baron na nangakong babawi sa kanyang mga fatherly shortcomings.

No wonder daw, Baron was able to breathe his character in the film Doll House to the hilt.

Nakaka-relate daw kasi siya sa kanyang papel bilang Rustin.

With his revelation, nagsasabi nga ba ng totoo ang aktor?

Paglilinaw niya: “When I speak the truth, I speak the truth…in the same way that when I lie, l lie!”

Sana raw ay dumating ang pagkakataong iupo silang dalawa ng kanyang anak for an interview.

How Baron wishes to ask his daughter, “O, anak, kumusta ka na?”

Apektado raw pala kasi ito sa tuwing may mga negatibong balita tungkol sa kanyang ama. Ronnie Carrasco III