Home NATIONWIDE 14 sa 117 nuisance candidate nagsumite na ng motion for reconsideration

14 sa 117 nuisance candidate nagsumite na ng motion for reconsideration

Sa presscon na isinagawa ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, inilantad niya sa media na ang nasa likod ng mga inilalabas na umano’y pekeng account at dokumento ay nagmula sa foreign company na Jaleo Consulting LLC na pag-aari ng negosyante na si Jose A. Herrera ng Miami, Florida. Crismon Heramis

MANILA, Philippines – Labing-apat sa 117 senatorial aspirants na idineklarang nuisance candidate ang naghain na ng kanilang motion for reconsideration, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Sinabi ni Comelec chairman George Garcia na ang mga naghain na ngayon ng MR ay ang mga sumusunod:

Francis Leo Antonio MarcolFelipe Fernandez Montealto Jr.

Orlando Caranto De Guzman

Jaime Gaspacho Balmas

Pedro Gonzales Ordiales

John Rafael Campang Escobar

Roberto Sontosidad Sembrano

Romulo Tindoc San Ramon

Fernando Fabian Diaz

Luther Gascon Meniano

Romeo Castro Macaraeg

Subair Guinthum Mustapha

Berteni Cataluña Causing

Alexander Cura Encarnacion

Noong Martes, inanunsyo ni Garcia na inaprubahan ng Comelec ang rekomendasyon ng dalawang dibisyon nito na idiskwalipika ang 117 senatorial aspirants sa pagtakbo sa 2025 midterm elections bilang mga nuisance candidates.

Ayon kay Garcia, hindi pa nareresolba ng Comelec ang MR.

Nauna rito, naglabas ang poll body ng inisyal na listahan ng mga senatorial aspirants na maaaring isama ang mga pangalan sa opisyal na balota para sa halalan sa susunod na taon.

Sinabi ng Comelec na ang listahan ay “walang pagkiling sa desisyon ng Division o En Banc sa mga petisyon na ideklara bilang mga nuisance candidate na inihain ng Law Department.” Jocelyn Tabangcura-Domenden