MANILA, Philippines – Nakatakdang magdeploy ng election watchdog ang Commission on Human Rights (CHR) sa midterm elections, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia.
Sinabi ni Garcia na nagpahayag ang opisyal ng CHR ng intensyon na dumalo sa 2025 election’s orientation seminar sa gagawin sa Quezon City hotel.
Sinabi rin ni Garcia na hiniling din ng CHR kung ang kanilang tauhan na nagtatrabaho sa araw ng halalan ay kwalipikado para sa absentee voting.
Sa nasabing aktibidad, ipinakita rin ng Comelec ang paggamit ng automated counting machine sa harap ng mga tauhan ng CHR. Jocelyn Tabangcura-Domenden