TIGNAN | Pinangunahan ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang programang #LABForAll sa Cuneta Astrodome sa Pasay City ngayong Huwebes (Nov. 21, 2024).
Kasama ng Unang Ginang sina Pasay City Mayor Imelda Calixto Rubiano, Pasay City Rep. Antonino Calixto, Department of Health (Philippines) Sec. Teodoro Herbosa at DTI Philippines Sec. Cristina Roque.
Inilunsad noong 2023, ang programa ay nagbibigay ng libreng laboratory services, libreng x-ray, libreng konsultasyon sa mga espesyalista at libreng gamot para sa mga Pilipino. Cesar Morales