Home HOME BANNER STORY 14 sugatan sa dump truck na nawalan ng preno sa Batangas

14 sugatan sa dump truck na nawalan ng preno sa Batangas

MANILA, Philippines – Umabot na sa 14 ang bilang ng mga sugatan sa road crash sangkot ang siyam na sasakyan sa National Highway sa Sitio Palico, Brgy. Luntal, Tuy, Batangas nitong Sabado, Marso 1.

Ayon sa pulisya, ang insidente ay nangyari alas-6 ng umaga nang mawalan ng preno ang dump truck habang nasa pababang kalsada mula Calaca City patungong Mendez, Cavite.

Bumangga ang trak sa bus at kalaunan ay inararo ang iba pang mga sasakyan na nakaparada malapit sa convenience store.

Agad na dinala sa Don Manuel Lopez Memorial District Hospital sa Balayan, Batangas, at Apacible Memorial District Hospital sa Nasugbu, Batangas ang mga sugatan.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng pagpalya ng preno at inaalam din ang danyos ng mga napinsalang sasakyan. RNT/JGC