Home NATIONWIDE Pope Francis maayos na ulit matapos makaranas ng breathing crisis

Pope Francis maayos na ulit matapos makaranas ng breathing crisis

VATICAN – Nasa maayos na ulit na kalagayan si Pope Francis matapos makaranas ng hirap sa paghinga, sinabi ng Vatican nitong Sabado, Marso 1.

Ang 88-anyos na Santo Papa ay naka-ventilator dahil sa “isolated” breathing crisis.

“The pope spent a peaceful night and is resting,” pahayag ng Holy See.

“There have been no crises like yesterday. The pope woke up, had breakfast, and read the papers as usual,” ayon pa sa isang source sa Vatican.

Ayon sa kanyang mga doktor, aabutin pa ng 24 hanggang 48 oras para malaman kung lalala pa ang hirap sa paghinga ni Pope Francis. RNT/JGC