MANILA, Philippines – Nananatili umanong matibay ang paninindigan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isyu ng West Philippine Sea at sinabing “what is ours is ours.”
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, ang polisiya ni Marcos sa WPS ay naiiba sa sinundan nitong administrasyon na nag-aalinlangan komprontahin ang China.
“Panahon ni dating pangulong Duterte, wala talagang gulo kasi umo-oo tayo,” sinabi ni Castro.
“Hindi ganoon si Pangulo, si Pangulong Marcos. Hindi ganoon. Ipaglalaban niya kung ano ang rights natin sa West Philippine Sea, sa EEZ (exclusive economic zone), kung anong meron tayo.”
Sinabi pa ng opisyal na tila pinayagan ni Duterte ang China na kontrolin ang dagat ng Pilipinas, kabilang ang Sandy Cay kung saan namataan ang mga barko ng China na nagpapatrolya sa nakalipas na administrasyon.
“So, nasaan na yung pagiging independent na country natin? Yung soberenya natin? Eh hindi naman tayo probinsya. At unlike before, the former president wished na maging probinsya tayo. Eh hindi tayo naging probinsya. Kung napagawa siguro tayo na probinsya ng China, susunod tayo,” dagdag pa niya.
Ani Castro, ipinag-utos pa umano ni Duterte ang pagpapahinto sa konstruksyon sa Sandy Cay dahil sa matinding pagtutol ng China.
“Let’s face it. Hindi tayo probinsya ng China kahit ito’y ginusto ni dating pangulong Duterte. Tama lang po ang ginagawa ng Pangulo. Nandun po ang kaniyang stance: Leave our territory. Remove your claim doon sa maritime rights natin. So, remove everything. What is ours is ours.”
Nitong Biyernes, Pebrero 28 ay kinondena ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ng China na ang Palawan ay bahagi rin ng kanilang teritoryo.
“The post falsely states that the island of Palawan was once theirs and they have governed it for 1,000 years, but the Philippines claims jurisdiction and has named it Palawan,” sinabi ng NHCP.
“It is necessary to note that exploration does not equate to sovereign ownership. There exists no evidence to support the settlement of a permanent Chinese population in Palawan, which has been continuously populated since 50,000 years ago through archeological data.” RNT/JGC