Home METRO 14 sugatan sa jeep na nahulog sa creek

14 sugatan sa jeep na nahulog sa creek

MANILA, Philippines- Shoot ang isang pampasaherong jeep sa isang creek sa Antipolo, Rizal nitong araw ng bagong taon, kung saan nasa 14 indibidwal ang sugatan.

Ayon sa ulat nitong Martes, bumangga ang jeep sa isang creek barrier sa Circumferential Road, Barangay San Isidro dakong alas-2 ng hapon nitong Lunes.

Anang mga pulis, pumalya ang preno ng sasakyan.

Sa halip na malagay sa panganib ang mga motorista at ibang indibidwal, lumiko ang jeep patungo sa creek barrier, ayon sa ulat.

Kakasuhan ang driver, na nabali ang balikat, kasunod ng insidente. RNT/SA

Previous articlePH economy makatatabay sa epekto ng El Niño – DOF
Next article4 barangay tanod sa Las Piñas sinampahan ng kasong murder