Home METRO 14 sugatan sa salpukan ng bus, tren

14 sugatan sa salpukan ng bus, tren

99
0

MANILA, Philippines- Bumangga ang single coach train ng Philippine National Railways (PNR) sa pampasaherong bus sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Nabua, Camarines Sur noong Sabado ng madaling araw, na ikinasugat ng 14 indibidwal.

Sa ulat, posible umanong hindi napansin ng bus na may paparating na tren at tumawid sa crossing kaya nabangga ang bagon.

Nasa 13 bus passengers ang dinala sa ospital matapos magtamo ng minor injuries.

Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) noong Sabado ng gabi na inatasan nito ang Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mag-isyu ng show cause order laban sa kompanya ng bus at driver.

Dagdag pa rito, inutusan ng DOTr ang PNR na ipaliwanag kung bakit tila hindi sapat ang mga hakbang sa kaligtasan at gumawa ng mga hakbang upang matiyak na hindi mangyayari ang mga ganitong insidente sa hinaharap.

Ang pampasaherong bus ay nagmula sa Pasay City patungo sa Legazpi City, habang ang tren ay umalis mula sa Naga City at patungo sa Polangui, Albay.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na walang flagmen na nakatalaga o mga warning device na nakalagay sa lugar upang bigyan ng babala ang mga motorista sa mga paparating na tren.

Hawak na ng Nabua Municipal Police Station ang bus driver. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here