Home NATIONWIDE Manual recount ng mga boto sa Marinduque inihirit ni Velasco sa Comelec

Manual recount ng mga boto sa Marinduque inihirit ni Velasco sa Comelec

253
0

MANILA, Philippines- Hiniling ni outgoing Marinduque lone District Rep. Lord Allan Jay Velasco sa Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng manual recount ng boto sa kanyang probinsya matapos matalo ng 400 boto sa gubernatorial race.

Sinabi ni Velasco sa isang pahayag na naghain siya ng pormal na apela sa Comelec upang magsagawa ng manual recount ng mga boto hindi lamang para sa kapakinabangan ng mga taga-probinsya ng Marinduque kundi para rin sa mas malawak na layunin na mapakikinabangan ng mga Pilipino.

Si Velasco, nakatanggap ng 65,726 boto ayon sa resulta na na-canvass ng Comelec, ay natalo laban kay Governor-elect Mel Go na nakakuha ng 66,115 boto.

Sinabi ng talunang kongresista, na dating nagsilbing House speaker, na habang nagpapatuloy ang random manual audit, hindi niya mapagkakatiwalaan ang katumpakan nito.

Ayon kay Velasco, dapat itong magpakita ng 100% accuracy o isang mataas na antas ng katiyakan na karapat-dapat sa tiwala ng mamamayan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here