Home METRO 142 PDL nagtapos ng elementarya

142 PDL nagtapos ng elementarya

MANILA, Philippines- Nasa 142 na persons deprived of liberty (PDls) sa Naic Municipal Jail sa Cavite ang nakapagtapos na sa elementarya at ngayo’y mga estudyante na ng junior high school ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Sa ginanap na moving-up ceremony, sinabi ni Naic Municipal Jail warden Chief Inspector Ralph James Mayhay na ang bawat diploma ng mga nagtapos na PDL ay testimonya na may pag-asa at mayroong tinatawag na pangalawang pagkakataon kung magsusumikap.

Ang 142 na PDL ay nagtapos sa pamamagitan ng alternative learning system (ALS) program.

Ipinagmalaki naman ng BJMP na ang mga naka-graduate ay maituturing na “ambassadors of change” at patunay ito na walang balakid ang hindi malulutas at ang bawat indibidwal ay may karapatan na mabigyan ng pangalawang pagkakataon.

“As they step out of confinement and into the world beyond, armed with newfound knowledge, skills, and a renewed sense of purpose, may they continue to inspire others with their stories of courage, determination, and triumph.”

Binigyan-diin ng BJMP na isa itong paalala sa lahat na ang edukasyon ay may kapangyarihan na baguhin ang buhay ng bawat indibidwal at ang pagbubukas ng pinto sa mga bagong oportunidad.

Nagsilbing guest speaker si BJMP Calabarzon Director Jail Chief Supt. Hilbert M. Flor. Dumalo rin sa moving up ceremony si Dr. Felisa C Matel ng ALS, Iluminada Lopez, Principal ng San Roque Elementary School, ALS mobile teachers, coordinators at kaanak ng mga PDL na nagtapos. Teresa Tavares