Home HOME BANNER STORY Bamban Mayor Alice Guo kinasuhan ng graft

Bamban Mayor Alice Guo kinasuhan ng graft

Kuha ni Cesar Morales l Remate File Photo

MANILA, Philippines- Sinampahan ng graft charges ng Department of the Interior and Local Government (DILG) si Bamban City Mayor Alice kaugnay sa ulat na pagkakasangkot nito sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa kanyang lokalidad.

Sa katunayan, ayon kay DILG Undersecretary Juan Victor Llamas, ang graft charges ay isinampa ng DILG sa Office of the Ombudsman noong Mayo 24 at nag-ugat sa pagpapalabas ng permit sa Hongsheng Gaming Technology Inc., sa kabila ng pagkabigo ng kompanya na kompletuhin ang requirements at pagkakaroon ng expired license mula sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR).

Sinabi ni Llamas na may kapangyarihan si Guo na bawiin ang business permit ng Hongsheng.

Naniniwala ang DILG na maaaring patawan ng preventive suspension si Guo, na ang nasyonalidad ay patuloy na kinukuwestiyon at ikinokonekta sa operasyon ng POGO.

Ito’y matapos salakayin ng mga awtoridad ang 10-ektaryang lugar na pinangangasiwaan ng Zun Yuan Technology Inc. noong Marso 13 at natuklasan ang ilang devices na pinaniniwalaang may kaugnayan sa POGO operations.

Samantala, mahigit 600 Pilipino at dayuhan ang nailigtas sa nasabing raid. Kris Jose