Home NATIONWIDE Paglikha ng fisheries dep’t pinasesertipikang urgent kay PBBM

Paglikha ng fisheries dep’t pinasesertipikang urgent kay PBBM

MANILA, Philippines- Ikinasa ng fisherfolk council na nilikha sa pamamagitan ng programa sa ilalim ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang resolusyon na humihikayat kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isertipikang urgent ang panukalang magtatag ng departamentong mangangasiwa sa aquatic resources ng bansa.

Ang pangunahing may akda ng House Bill No. 1977 o ang Department of Fisheries and Aquatic Resources (DFAR) Act ay sii Kabayan Partylist Rep. Ron P. Salo.

“The creation of the DFAR is essential for better management and sustainable development of our aquatic resources. It will significantly improve the livelihoods of our fisherfolk and enhance food security in the Philippines,” wika ni Salo.

Binanggit ang isang pag-aaral, iginiit ng mambabatas na ika-walo ang Pilipinas sa buong mundo sa naitalang produksyon na 4.26 million metric tons ng isda noong nakaraang taon.

“Despite the sector’s importance, it faces significant challenges, including a progressive decline in fish catch, overfishing, and the degradation of essential marine habitats such as coral reefs, mangroves, seagrass, and algae beds. These challenges necessitate urgent and focused management and conservation efforts,” ayon sa pahayag, batay sa Fisherfolk Regional Representatives.

Binigyang-diin din nila ang “need for a dedicated Department of Fisheries and Aquatic Resources to institutionalize science-based methodologies in fisheries management, thereby enhancing productivity, competitiveness, sustainability, resilience, and inclusiveness of the sector.”

Base sa solon, binubuo ang fisherfolk council ng mga piling pinuno sa buong bansa. Tuwing Mayo, nagtatalaga ang konseho ng national fisherfolk director at 16 regional directors para sa isang buwang termino, na nagbibigay-awtorisasyon sa kanila “to influence policy and management directly.”

“The Fisherfolk Council intends to immediately submit their resolution to the President, Senate President, and Speaker of the House of Representatives, seeking support for the immediate passage of this vital legislative measure,” ani Salo. RNT/SA