Home NATIONWIDE Ina na nagbenta ng sex videos ng anak online kakasuhan ng DOJ

Ina na nagbenta ng sex videos ng anak online kakasuhan ng DOJ

MANILA, Philippines- Inaprubahan na ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa sa korte ng mga kasong qualified trafficking at sexual abuse and exploitation of children laban sa ina na ibinenta online ang live sex videos ng kanyang tatlong batang anak.

Nakasaad sa DOJ resolution na matibay ang mga ebidensya upang isampa sa korte ang mga kasong kriminal laban kay Jonalyn J. Rivera alyas Jennica Maine dahil sa ginawa nito sa anak na itinago sa alyas na “AAA.”

Ipinakita ni Rivera sa customers nito online ang hubad na katawan ni “AAA” habang naliligo ito  kapalit ng bayad na $50.

Isinagawa ang live show sa pamamagitan ng messaging application na Skype.

Samantala, ang preliminary investigation sa kaso ni Rivera kaugnay sa mga anak nito na sina “BBB” at “CCC” ay isinagawa nitong Mayo 23 at 30 ngunit hindi na nailabas ng DOJ ang resulta ng imbestigasyon.

Si Rivera ay naaresto sa kanyang bahay sa Mabalacat City, Pampanga nitong Mayo 7 sa isinagawang entrapment operation ng Philippine National POlice-Women and Children Protection Center (PNP-WCPC).

Disyembre pa minamanmanan ng PNP-WCPC si Rivera matapos mabatid ang mga ilegal na aktibidad nito sa kanyang Skype account na may username na Jennica Maine.

Nailigtas sa isinagawang operasyon ang mga anak na edad 12-anyos, limang taon gulang at tatlong taong gulang. Teresa Tavares