Home HOME BANNER STORY PH personnel inakusahan ng Tsina ng panunutok ng baril sa CCG sa...

PH personnel inakusahan ng Tsina ng panunutok ng baril sa CCG sa Ayungin Shoal

MANILA, Philippinse- Sinabi ng Chinese state media nitong Linggo na ang mga tauhan sa isang barko ng Pilipinas ay nanutok ng baril sa Coast Guard ng China sa pinagtatalunang karagatan ng South China Sea noong nakaraang buwan.

Ayon sa isang post sa social media ng CCTV, hindi bababa sa dalawang tauhan sa barko ng Pilipinas na malapit sa shoal ang may dalang mga baril sa deck, na nakatutok ang mga ito sa direksyon ng Coast Guard ng China.

Sa¬† 29- segundo na video,makikita ang umano’y isang naka-mask na lalaki na hawak ang isang malabong itim na bagay na tila rifle.

Nangyari ang umano’y insidente sa supply mission ng Pilipinas sa mga tropa na nagbabantay sa BRP Sierra Madre, na nakasadsad sa Ayungin Shoal, on kilala rin na Second Thomas Shoal, mula pa noong 1999.

Ang Philippine Navy, Coast Guard, at National Security Council, gayundin ang embahada ng bansa sa Beijing, ay hindi agad nagkomento hinggil dito.

Binatiko ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, sa isang talumpati noong Biyernes na dinaluhan ng defense minister ng Tsina, ang tinatawag niyang ilegal, mapilit, at agresibong mga aksyon sa South China Sea, na nagpapahina sa mga bansa sa Timog Silangang Asya sa pananaw para sa “kapayapaan, katatagan at kasaganaan” sa dagat. Jocelyn Tabangcura-Domenden