Home METRO 2 timbog sa anti-gunrunning op sa Pampanga

2 timbog sa anti-gunrunning op sa Pampanga

MANILA, Philippines- Bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa loose firearms, nadakip ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) agents ang dalawang suspek sa lalawigan ng Pampanga.

Inihayag ni CIDG chief Maj. Gen. Leo Francisco na naaresto ang 41-anyos na si alyas “May” at 33-anyos na si “Jay” nang tangkain nitong magbenta ng baril sa isang police poseur buyer sa Barangay Pulung Maragul, Angeles City nitong Sabado.

“I commend the operatives for a successful police operation,” pahayag ni Francisco nitong Linggo.

Aniya, sasampahan ng kaso ang dalawang suspek sa Angeles City Prosecutors Office.

Samantala, nalambat ng Special Action Force and CIDG-Northern Samar si Jose Marion, isa sa top 10 most wanted persons sa lalawigan, sa Barangay San Juan, sa bayan ng San Isidro.

Si Marion ay may warrant of arrest sa pagpatay sa isang nagngangalang Buloy Pajarito noong Sept. 5, 2018.

Samantala, ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa police commanders na paigtingin ang visibility matapos ang dalawang shooting incidents kamakailan sa Quezon City at Makati.

“More or less around 600 na mga PNP personnel na naka-assign sa Camp Crame doing administrative duties ay idinownload sa NCR para dagdagan yung ating mga pulis na nagpapatrol sa kalsada,” pahayag ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo sa isang panayam nitong Linggo. RNT/SA