Alinsunod sa pagsisikap ng gobyerno na puksain ang lahat ng uri ng kriminalidad, inaresto ng National Bureau of Investigation – Special Task Force (NBI-STF), sa ilalim ng pangangasiwa ni NBI Director Judge Jaime B. Santiago (Ret.), ang dalawampung (20) dayuhan dahil sa paglabag sa Section 4(b)(1) (Social Engineering Schemes) ng R.A. 12010 (Anti-Financial Account Scamming Act) kaugnay ng R.A. No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012). Kabilang sa mga inaresto ay si LIU ZHI TAO, kilala rin bilang “Ren Jia,” na nahaharap sa karagdagang mga kaso para sa paglabag sa Article 267 (Serious Illegal Detention) ng Revised Penal Code (RPC). Cesar Morales
MANILA, Philippines – Naaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang 143 katao noong Hulyo sa iba’t ibang paglabag sa ilalim ng cybercrime law.
Sa pahayag, sinabi ni ACG Director Brig. Gen. Bernard Yang na naaresto ng grupo ang 106 katao sa entrapment operations at 37 iba pang wanted persons sa 143 anti-cybercrime operations.
Ani Yang, nasagip naman ng PNP-ACG ang 18 indibidwal at tinulungang maipakulong ang walong indibidwal sa cybercrime-related cases.
Samantala, kabuuang 126 cyber warrants ang ipinadala na nagresulta sa paghahain ng 171 kaso at 84 inquest proceedings.
Para sa kabuuang Hulyo, nagsagawa ang PNP-ACG ng 1,227 cyber patrolling o online monitoring efforts, maging ang 76 digital forensic examinations.
Ang operasyon ay tugma sa direktiba ni PNP chief Gen. Nicolas Torre III na palakasin ang cybercrime investigations at gawing ligtas ang digital environment para sa lahat.
Hinimok din ni Yang ang publiko na manatiling alerto at isumbong ang mga kahina-hinalang online transactions sa mga awtoridad upang maiwasan ang cyber-enabled crimes. RNT/JGC