MANILA, Philippines – Sinabi ng Quezon City government na aabot sa 149 katao ang n-diagnose na may sakit na HIV sa Quezon City.
Ito ang ipinahayag ni Sarah N. Conclara, Special Surveillance Officer ng Quezon City Health Department ng lungsod.
Sa ginanap na QCJI forum nitong Martes, Hunyo 17, sinabi ni Conclara na ang mga nagpositibo sa HIV ay sa pagitan ng edad 15 to 24 at namonitor ito sa buwan ng Enero hanggang Mayo 2025.
“Aabot sa 149 ang nadiagnosed ng HIV sa QC,” ayon kay Conclara.
Sinabi pa nito na isa sa dahilan ng pagkakaroon ng HIV ng mga nagpositibo ay dahil sa hindi maingat na pakikipagtalik.
Samanatala, kaugnay nito, sinabi naman ni Dr. Francis See ng clinic sa Novaliches ang pagtaas ng kaso ng HIV ay dahil sa curiousity ng kabataan at dulot na rin ng social media at mga dating app.
Dahil dito, hinikayat ni Dr. See na isama ang proper sex education sa paaralan at hinikayat rin nito ang kabataan na mag-enroll sa maagang gamutan.
Kadalasan umanong nakukuha ito sa male to male transmission.
Idinagdag pa na kahit ang edad 15 hanggang 16 ay pwedeng magsuri. Santi Celario