Home METRO Driver patay, angkas sugatan sa concrete railings

Driver patay, angkas sugatan sa concrete railings

PANGASINAN- Kamatayan ang sumalubong sa isang lalaki matapos bumangga sa concrete railings ang minamaneho nitong motorsiklo sa Brgy. Cauplasan, Sta. Maria ng lalawigang ito kagabi, Hunyo 16.

Ayon sa Sta. Maria MPS, ang driver ng kulay itim na Rusi motorcycle ay residente ng Brgy. Cabacaran, San Manuel, Pangasinan.

Sugatan naman ang 22-anyos na lalaking angkas nito na residente ng Brgy. San Joaquin, Balungao, Pangasinan.

Bumibiyahe ang motorsiklo papuntang timog na direksyon sa By-Pass Road sa naturang lugar.

Pagdating nito sa pakurbang parte ng kalsada, nawalan ng kontrol sa manibela ng sasakyan ang driver hanggang sa bumangga ang motorsiklo sa concrete railings.

Dahil sa mga tinamo nilang sugat sa iba’t ibang parte ng katawan, ang driver at ang angkas nito ay agad na isinugod sa Condrado F. Estrella Medical and Trauma Center sa Rosales, Pangasinan.

Gayunman, ang driver ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso