Home NATIONWIDE Soft copies ng mga ginamit sa 2025 polls binura na ng Comelec

Soft copies ng mga ginamit sa 2025 polls binura na ng Comelec

MANILA, Philippines – Binura na ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng soft copies ng mga ballot face na ginamit sa May 12, 2025 elections.

Ayon sa Comelec, kasama sa mga burado na sa kanilang server ang official ballot voter’s information sheet, mga ginamit para sa field testing at sealing, at mga balotang muling inimprenta para hindi na magamit sa anumang paraan.

Ito na ang huling bahagi ng proseso ng ballot printing para matiyak ang transparency na karaniwang ginagawa pagkatapos ng halalan, ayon kay Commissioner-in-charge ng Committee on Ballot Printing na si Rey Bulay.

“Bilang pagsunod ang commission en banc nag-approve po ng prosesong ito noong May 27, 2025 in accordance with the data protection act ito po ang aming pagsunod at pag comply,” sabi ni Bulay.

Ayon pa sa Comelec, nagpapatuloy ang pagsira sa mga hard copy ng mga balotang ginamit noong eleksyon para hindi na ito mapakinabangan pa o magamit sa maling paraan. Jocelyn Tabangcura-Domenden