MANILA, Philippines – Halos 14,000 kandidato, political parties at partylist organizations ang naghain ng aplikasyon para sa registration ng kanilang online campaign platforms para sa May 2025 midterm elections, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
“The total number of registration forms received online via Google Forms is 13,723,” ayon sa Comelec.
Karamihan sa mga nag-apply o 13,416 ay tumatakbo para sa local elections habang 70 ang senatorial aspirants.
Sa kabilang banda, ang aplikasyon para sa party-list organizations at political parties at coalitions ay nasa kabuuang 237.
Sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na lahat ng aplikasyon ay susuriin para sa compliance.
Ang Comelec Resolution No. 11064 ay nag-aatas sa lahat ng naghahangad ng halalan sa susunod na taon na irehistro ang kanilang mga social media account at pages, websites, podcasts, blogs, vlogs, at iba pang online at internet-based na campaign platforms. Jocelyn Tabangcura-Domenden