Home METRO 15-anyos, kasamang nangunguha ng gagamba utas sa pamamaril sa Quezon

15-anyos, kasamang nangunguha ng gagamba utas sa pamamaril sa Quezon

1
0

QUEZON, Philippines – Patay ang isang 15-anyos na binatilyo at ang 26-anyos nitong kasama matapos silang pagbabarilin habang naghahanap ng gagambang alaga kasama ang apat pang kaibigan sa Purok Jasmine, Barangay Domoit, Lunes ng gabi.

Ayon sa pulisya, bandang 10:30 p.m. nang pagbabarilin umano sila ng isang 38-anyos na farm manager gamit ang shotgun. Walang nakitang malinaw na dahilan o anumang pang-uudyok bago ang pamamaril.

Nakatakas ang apat na kasama matapos marinig ang mga putok. Narekober ng mga imbestigador ang dalawang basyo ng shotgun at kalaunan ay naaresto ang suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo sa pamamaril. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here