Home NATIONWIDE 35% ng pondo ng isang proyekto maaaring napupunta sa kickback – Tiangco

35% ng pondo ng isang proyekto maaaring napupunta sa kickback – Tiangco

2
0

MANILA, Philippines – Umaabot umano sa 35% ng pondo ng isang government project ang maaaring napupunta sa kickback at iba pang bayarin, ayon kay Navotas Rep. Toby Tiangco.

“Nagulat ako na nagbebentahan na ng proyekto,” ani Tiangco.

Ayon sa kanya, hinihingan umano ng 20% “taripa” ang mga contractor para makakuha ng project allocation. Maaari pang madagdagan ng 10% para sa broker at 3-5% “parking” fee para mailagay ang proyekto sa isang partikular na distrito.

“So nagbayad sila ng 20% kay Zaldy Co, assuming may namagitan, magiging 30% ‘yan. Tapos kung nagbayad pa siya ng ‘parking’, magiging 35% na agad,” aniya.

Sinabi ni Tiangco na maaaring ipaliwanag nito kung bakit may mga proyektong substandard. “Kasi ano pa naman matitira sa kanila kung nagbayad na sila ng 35%?” Tiangco said.

Iniuugnay ni Tiangco ang umano’y sistema kay dating Ako Bicol Rep. Elizaldy “Zaldy” Co at dating House Speaker Martin Romualdez. Pareho silang nahaharap sa plunder case kaugnay ng mga alegasyong anomalya sa flood control projects.

Ayon sa Ombudsman, may ebidensiyang umaabot sa P56-P57 bilyon ang halaga ng mga proyektong iniimbestigahan. Samantala, iginiit ni Tiangco na dapat ipagpatuloy ang lehitimong flood control projects, lalo na sa mga lugar na madalas bahain.

“I’m glad this chapter is over, but the novel continues and we intend to see it to the end,” saad ni Remulla. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here