Home METRO Bagong steel bridge, nagdugtong muli sa 2 barangay sa QC

Bagong steel bridge, nagdugtong muli sa 2 barangay sa QC

1
0

QUEZON CITY, Philippines – Muling nagkaroon ng koneksyon ang Barangays North Fairview at Sta. Lucia matapos buksan ang bagong steel pedestrian bridge sa ibabaw ng Tullahan River.

Sinuri ni Mayor Joy Belmonte ang bagong tulay noong Setyembre 6, na ipinalit sa dating hanging bridge na gumuho noong 2025 dahil sa malakas na agos ng tubig at tuloy-tuloy na pag-ulan.

Mas mataas ang bagong tulay upang mabawasan ang panganib kapag tumataas ang tubig sa ilog. Ginagamit na ito ng mga residente habang tinatapos pa ang ilang safety features tulad ng solar-powered lights at wire mesh sa railings.

Inaasahang matatapos ang natitirang gawain sa loob ng isang linggo. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here